-- Advertisements --

MANILA – Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang ulat ng diarrhea outbreak sa Davao Occidental, kung saan tatlo ang sinasabing namatay.

“We’re currently investigating the reports through our regional office,” ayon sa DOH.

Batay sa ulat, 34 na ibang indibidwal pa ang kasalukuyang nasa ospital dahil sa insidente.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Jose Abad Santos, posibleng ang inuming tubig ng mga residente ang sanhi ng outbreak.

Pero pinag-aaralan pa raw ito ng kanilang regional health unit.

Nabatid na binisita na ni Vice Mayor James John Joyce ang mga isinugod na residente sa Tomas Lachica Disrtrict Hospital.

Nangako naman ang DOH-Central Office na maglalabas ng ulat kapag natapos na ang ginagawang imbestigasyon.

“(We) will provide a report/statement soonest.”