-- Advertisements --
Pumalo sa tatlo ang bilang ng mga namatay habang 11 naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Philadelphia.
Sinabi ni Police Inspector D. F. Pace, kabilang sa mga namatay ang dalawang lalaki at isang babae.
Sa pagresponde raw ng mga otoridad sa area, naobserbahan ng mga ito ang “active shooters” sa crowd.
“You can imagine there were hundreds of individuals enjoying South Street, as they do every single weekend, when this shooting broke out,” ani Pace.
Dahil dito, napilitan daw na barilin ng mga pulis ang isa sa mga shooter pero hindi pa malinaw kung ito ay tinamaan.
Sa report naman mula sa local media outlets, isa na ang naarestong suspek sa pamamaril.
Dalawang handguns din umano ang narekober sa crime scene. (AFP)