-- Advertisements --
Nasira na matapos tamaan ng missile ng Russia ang tatlong pangunahing tulay sa Severodonetsk City sa Ukraine.
Ayon kay Luhansk region military administration Serhiy Hayday, na dahil dito ay nahihirapan na ang mga residente doon na lumikas.
Ang nasabing pagkasira ng mga tulay ay itinuturing na advantage ng Russian military dahil sa mapipigil ang pagdating ng mga suplay.
Bagamat nasira ang nasabing mga tulay ay mayr mga paraan sila na makarating sa Severodonetsk at Lysychansk city.
Itinanggi rin nito na nakontrol na ng Russia ang nasabing mga lugar.