Kinumpirma ng Taguig police na nakatanggap ng bomb threat ang 3 pampublikong paaralan sa lungsod ng Taguig nitong araw ng Martes, Pebrero 13.
Kabilang ang University of Makati (UMAK), West Rembo Elementary School, at Fort Bonifacio Elementary School.
Ayon sa pulisya, tinawagan ng mga security personnel ng mga paaralan ang Taguig Police substation Explosive Ordnance Disposal (EOD) unit.
Sinabi ng pulisya na walang nakitang bomba o presensya ng anumang paputok o mapanirang materyal/sangkap ang EOD unit sa lahat ng tatlong pampublikong paaralan, na magkakasunod na nakatanggap ng mga bomb threat.
Wala namang nakanselang klase sa tatlong paaralan sa kabila ng mga banta na may bomba.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Taguig police kung ang naturang bomb threat sa 3 paaralan ay mula sa iisang indibidwal lamang. (With reports from Bombo Everly Rico)