-- Advertisements --

bfp

Tatlong menor-de-edad ang naiulat na nasawi sa nangyaring sunog kaninang alas-4:20 ng madaling araw sa isang residential area sa may bahagi ng Kaliraya St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Nakaligtas sa sunog ang apat na buwang gulang na sanggol matapos ihagis mula sa 2nd floor ng kanilang bahay.

Ang mga batang nasawi ay may edad 9, 8 at 4 na taong gulang, ayon sa tatay ng mga bata.

Batay sa salaysay ng padre de pamilya, nagising ang kaniyang asawa dahil may usok sa kanilang kuwarto sa may third floor ng nasabing building.

Nang buksan nila ang pinto ng kanilang kuwarto dito nila nakita na puno na ng usok at nasusunog na ito.

Dali daling kinuha ang baby at inihagis sa kapitbahay nila na sumalo sa sanggol.

Tumalon sila kasama ang panganay na anak at ang misis nito mula sa second floor window at lahat sila ay may mga sugat.

Tatlo sa kanilang mga anak dalawang babae at isang lalaki ang hindi nakaligtas at na trapped sa third floor.

Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) electrical wiring ang posibleng sanhi ng sunog.