Aprubado na ng Kamara sa third and final reading September 26,2022 ang tatlong mahalagang batas na may national significance.
Malaking tulong para sa ating mga kababayan lalo na sa mga underpriviledge ang pagpasa sa nasabing batas.
Ang House Bill No. 4125 o ang proposed “Ease of Paying Taxes Act” ay naglalayon para i-modernize ang tax administration at i-improve ang tax compliance sa pamamagitan ng pag-simplify sa tax returns sa pamamagitan nito ay tataas ang revenue.
Ang nasabing batas ay isa sa priority measures ng administration ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang HB No. 4896 ay layong kilalanin ang kontribusyon ng mga education support personnel sa edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdedeklara sa Mayo 16 ng bawat taon bilang isang espesyal na holiday sa pagtatrabaho na kilala bilang “National Education Support Personnel Day.”
Ang HB No. 5001 o ang iminungkahing “Free College Entrance Examinations Act” ay naglalayon na mag-utos sa private higher educational institutions na i-waive ang pag-impose ng college entrance examination fees sa mga mahihirap na graduating high school students at high school graduates na nasa top 10 ng kanilang klase.
Sa nasabing batas, titiyakin nito na ang mga mahihirap, karapat-dapat na mga mag-aaral ay bibigyan ng tulong at pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo tungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan at isang pinabuting kalidad ng buhay para sa kanila at sa kanilang mga pamilya.
Inaprubahan din sa huling pagbasa pagkatapos ng mahigpit na deliberasyon sa plenaryo sa panukalang 2023 national budget ang mga lokal na panukalang batas na naglalayong lumikha ng mga barangay at magdeklara ng holidays.