Binisita ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang tatlong lugar na matinding tinamaan ng bagyong Rolly.
Kabilang sa mga pinuntahan nito ang Marinduque, Catanduanes at Legaspi, Albay.
Matalik na kaibigan at kaalyadao ni Sara si House Speaker Lord Allan Velasco, na siyang taga-Marinduque.
Sa kaniyang pagbisita sa Catanduanes, nakipagpulong ito kay Governor Joseph Cua.
Nakipagkita din si Sara kay Senator Imee Marcos sa Legaspi, Albay, at nakipagpulong pa sa mga lokal na opisyal para mabigyan ng impormasyon kaugnay ng epekto ng bagyong Rolly sa kani-kanilang lugar.
Kasama nina Duterte at Marcos sina Albay Governor Al Francis Bichara at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin.
Sinabi din nito na magpapadala ang Davao City ng tulong sa mga lungsod, munisipalidad at lalawigan na apektado ng bagyong Rolly.
Aniya, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang bahagi ng 30 porsiyentong Quick Response Fund.