-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Inihahanda na ang kasong Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa tatlong kalalakihang inaresto sa buy bust operation ng PNP at PDEA sa barangay 3, San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan nakilala ang mga naaresto na sina Amante at Arnel Fausto at Vincent Nicolo Lachica na pawang residente sa naturang Lugar.
Ayon sa mga otoridad matagal nilang sinubaybayan ang mga pinaghihinalaan.
Nakuha mula sa kanila ang ibat ibang gadgets, 7 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy bust money.