-- Advertisements --

Hindi baba sa tatlong (3) Palestino ang nasawi sa Gaza noong Sabado matapos ang dalawang magkakahiwalay na air strikes ng Israeli military, ayon sa local health officials at medics ng Palestine.

Ito ang pinakabagong insidente sakabila ng isang U.S.-brokered ceasefire na umiiral nang mahigit limang (5) buwan na.

Ayon sa Palestinian health officials, isang lalaki ang napatay sa air strike na pinaniniwalaang nasa sasakyan sa Khan Younis sa southern Gaza, habang dalawang magkapatid naman na lalaki ang napatay sa Shujiaya, isang lugar sa Gaza City.

Hindi agad nagbigay ng pahayag ang Israeli military kaugnay sa dalawang (2) air strikes.

Mula nang ipatupad ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas noong Nobyembre, higit sa 680 Palestino na ang nasawi sa Gaza, ayon sa local health officials. Simula pa noong bakbakan ng digmaan noong Oktubre 2023, higit 72,000 na ang naiulat na nasawi.

Ayon sa Hamas-affiliated Shehab News Agency, napatay ang magkapatid matapos tangkaing dukutin sila ng isang Israeli-backed Palestinian militia sa Gaza.

Tinanggi rin ng Hamas o iba pang militanteng grupo ang mga magkapatid bilang miyembro nila.

Ayon sa mga saksi, armado ang magkapatid at nakipagbanggaan sa militia bago sila tinarget ng drones. Iniulat din na nagpaputok ang mga Israeli tank.

Sa kabila ng ceasefire, patuloy ang karahasan sa Gaza. Ayon sa health officials, hindi bababa sa 40 Palestino umano ang napapatay ng Israeli forces mula nang magsimula ang digmaan sa Iran isang buwan na ang nakalipas.