-- Advertisements --

Tatlo na ang kumpirmadong nasawi matapos na masunog ang sinakyan nilang pampasaherong barko.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na mayroong 195 na pasahero at 35 crew members ng MV Lady Mary Joy 3 ng Aleson shipping ang nailigtas habang mayroong pitong katao ang nawawala.

Naganap ang sunog dakong alas-10:40 ng gabi ng Miyerkules habang ang barko na galing Zamboanga city na patungong Sulu ay nasunog pagdating sa Baluk-baluk Island.

Kinumpirma rin ni Basilan Governor Jim Salliman na mayroong anim na katao ang naianod sa nasabing karagatan.

-- Advertisement --

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng Philippine coast guard sa nawawalang mga biktima habang iniimbestigahan ang nangyaring sunog sa barko.