Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Arestado ang isa pang kasapi ng notorious na binansagang Beligen acetylene-bolt cutter-termite gang sa Camangaan, Tikey, Bokod, Benguet kahapon.

Nakilala itong si Alexander Bagangan Tao-ey, 57, may asawa at tubo ng Bontoc, Mountain Province.

Isinilbi ang warrant of arrest laban sa mga suspeks sa pamamagitan ng magkasanib na pwersa mula Cordillera at Cataduanes.

Unang nahuli noong nakaraang linggo sa Baguio City ang dalawang newly identified na kasapi ng gang.

Nakilala ang mga ito na sina Gearldin Bawas, 27, at Mehdi Khobb alyas Misdi, 26, kapwa binata at residente ng San Carlos Heights, Irisan, Baguio City.

Ang kilabot na grupo ang itinuturong nagnanakaw sa mga bahay at mga establisiyemento gaya na lamang ng mga pawnshop sa iba’t ibang bahagi ng bansa.