-- Advertisements --

Natukoy na ng Philippine Coast Guard ang tatlong hackers na nasa likod ng nangyaring breach sa kanilang Facebook page.

Ito ang iniulat ng PCG matapos ang fully recovery ng kanilang online platform.

Sa isang statement, inanunsyo ng PCG na nabawi na ng kanilang Coast Guard Public Affairs Service ang full access sa kanilang Facebook page.

Anila, matapos ang isinagawang backend operations ng PCG sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ay nadiskubre nila ang pagkakakilanlang ng tatlong hackers sa likod ng nasabing krimen.

Ang mga ito ay kinilala ng PCG sa mga pangalan na Fatima Hasan, Murat Kansu, at Vicky Bates.

Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, gumamit ng malware ang naturang mga hackers upang ilegal na pasukin ang security ng online page ng PCG.

Dahil dito ay nakatakdang magsagawa ang naturang ahensya ng comprehensive hardware check bukas sa lahat ng mga office laptops, at computers ng Coast Guard Public Affairs Service personnel gamit ang kanilang access sa official social media platforms ng PCG.

Sa ngayon ay inalis na ng PCG ang lahat ng mga possible traces ng malware kasabay ng mas pagpapatibay pa sa overall cybersecurity nito laban sa mga potential breaches.

Kung maaalala, bago ang naturang breach sa Facebook page ng PCG ay may mga na-monitor na rin itong mga hacking attempts sa kanilang website at iba pa nilang online platforms.