-- Advertisements --

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong foreign nationals dahil sa tangkang pagpasok at paglabas sa bansa gamit ang mga palsipikasong travel documents.

Sa report na ipinaabot kay Immigration Commissioner Jaime Morente sinabi ni BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina na ang mga pasahero ay naaresto sa NAIA Terminal 2 at 3.

Kabilang sa mga suspek sina Sonny Tamayo Liang, Chinese na gumamit ng pekeng mga dokumento; African na si Mohamed Keita na may bogus na Mali passport at Chinese national na si Wang Lei na may pekeng Canadian visa.

Dinala na ang mga suspek sa detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at sumasailalim na sa deportation proceedings.

“They were all brought to our detention facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City and are now undergoing deportation proceedings for using spurious immigration documents,” wika ni Medina.