ocampo
-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagpapagaling na ang tatlong estudyante matapos na maaksidente sa motorsiklo sa Hanawan, Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Paul Francis Tuscano Bañaria, 20-anyos; Jimuel Servino, 18-anyos at isa naman na 16-anyos residente ng Barangay Salvacion, Tigaon sa nasabing lalawigan

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kayPMaj. Bernardo Peñero, hepe ng Ocampo Municipal Police Station, sinabi nito na magkakaangkas ang tatlo sa motorsiklo ngunit nakasalpok ito sa kasalubong na motorsiklo

Dahil dito, natumba ang motorsiklo ng mga biktima na naging dahilan naman para magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

-- Advertisement --