BARMM- Umaabot sa limang kilo ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug traffickers na nahuli sa Tawi-Tawi.

Nakilala ang mga suspek na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin at Adzfar Asali,mga residente ng Bongao Tawi-Tawi.

Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng anti-drug operation katuwang ang Tawi-Tawi Provincial Police,Intelligence Unit ng Western Mindanao Command at 9th Marine Battalion Landing Team malapit sa kuta ng mga suspek.

Nang I-abot na ng tatlo ang ilegal na droga sa PDEA-Asset doon na sila hinuli ng mga otoridad.

Narekober sa drug traffickers ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 34 milyon pesos basi sa drug market value.

Ang mga suspek ay matagal nang minamanmanan ng PDEA-BARMM na sangkot sa large scale illegal drug trade sa Tawi-Tawi.

Ang mga nahuli ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.