-- Advertisements --

Dumating na sa  Davao City ang tatlong Chinese naval ships at kasalukuyang nakadaong na ito sa pier ng siyudad.

Ayon kay Lt. Jetmark Marcos, tagapagsalita Naval Forces Eastern Mindanao, na ang tatlong Chinese navy ships ay pinangunahan ng Chinese Top Group Commander Rear Admiral Shen Hao na winelcome ng mga opisyal ng AFP at ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Marcos na kabilang sa Chinese fleet ang Chang Chun (DDG 150), isang guided missile destroyer; Jin Zhou (FFG 532), isang guided missile frigate; at, Chao Hu (890), a isang replenishment ship.

Tanghali kanina ng dumaong sa Sasa Wharp ang tatlong Navy ship ng China na iniskortan ng barko ng Philippine Navy ang BRP Nicolas Mahusay.

Ang pagbisita sa bansa ng tatlong Chinese ay kasunod sa umanoy gumagandang relasyon ng Pilipinas at Beijing kahit nagpapatuloy pa rin ang isyu kaugnay sa territorial disputes.

Magkakaroon naman ng goodwil games at shipboard tour ang publiko sa tatlong Chinese vessel.

Ayon sa Philippine Navy, batay sa kanilang record, noong April 2010 pa ang huling pagbisita na ginawa ng Chinese ship sa bansa ito ay bago mag assume sa pwesto si dating Pangulong Noynoy Aquino.