-- Advertisements --
NEW SOUTH WALES – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng water-bombing aircraft sa Australia, kung saan tatlong US firefighters ang nasawi.
Nabatid na inaapula ng team ang malaking bush fire nang mangyari ang trahedya sa Snowy Mountains sa New South Wales.
Ayon kay NSW Premier Gladys Berejiklian, mismong sa inaapulang sunog bumagsak ang eroplanong ginagamit ng mga biktima.
Sinasabing malakas ang hangin sa lugar nang bumagsak ang firefighting aircraft.
Sa kabuuan, nasa 80 sunog ang patuloy na inaapula matapos magsanga-sanga na ang pagkalat ng apoy. (CNN)









