-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Kusang sumuko sa mga militar ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang mga terorista na sina Gaga Abdul, 25-anyos na platoon leader, Jeremy Abdul, 18, at isang 17-anyos, pawang residente ng Barangay Paidu Pulangi ng nasabing probinsya.
Kasabay ng pagsuko ng mga ito ay ang pagsuko rin kanilang mga armas katulad ng homemade Barret sniper rifle, homemade KG9, at homemade uzi.
Nawalan na umano sila ng pag-asa at napagod sa pakikipaglaban sa gobyerno.
Ayon naman kay Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander, M/Gen. Diosdado C. Carreon, maituturing na ang pagsuko ng mga ito ay tanda ng pagsisimula na ng kapayapaan sa bansa.










