-- Advertisements --
Screenshot 20210925 230315 Viber

KORONADAL CITY – Dala ang kanilang mga matataas na kalibre ng armas ay boluntarying sumuko sa mga otoridad ang tatlong mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na mga residente ng Aleosan, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang mga sumuko na sina Alyas Musa na umanoy bombo expert o bihasa sa paggawa ng bomba, alyas Tato at alyas Datu.

Sila ay kabilang sa 2nd Division ng BIFF sa pamumuno ni Kumander Balintataw ng Mamasapano Maguindanao.

Dala nila ang isang improvised rocket-propelled grenade (RPG), improvised magazine shotgun, improvised high powered sniper riffle at isang rocket profiled grenade sa pagsuko.

Ayon kay Baldomar, sumuko ang mga ito dahil sa patuloy na operasyon ng mga sundalo laban sa kanila.

Sa ngayon nasa mahigit 130 na mga BIFF na ang sumuko sa mga otoridad.