benguet baguio map
Benguet

BAGUIO CITY – Apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang bayan ng Itogon, Benguet.

Kinumpirma ni Mayor Victorio Palangdan na positibo sa ASF ang ilang alagang baboy sa Labilab, Loacan, Itogon kung saan, nanggaling ang mga ito sa La Union at nabili online.

Sinabi ng alkalde na nahawaan ng virus ang iba pang alagang baboy kaya’t naisailalim sa culling o sadyang pagpatay ang 57 na baboy.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na mahigpit ang pagbabantay sa mga ipapasok at ilalabas na karne at buhay na baboy sa Itogon para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Una nang nakumpirma na positibo na rin sa ASF ang dalawa pang bayan sa Benguet na kinabibilangan ng Tuba at La Trinidad kung saan kinatay ang mahigit sa 250 na baboy.

-- Advertisement --