-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nasunog ang tatlong bahay at isang motorcycle shop Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Solano, posibleng galing ang apoy sa napabayaang niluluto.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil maraming gulong at kahoy sa loob ng motorcycle shop.

Aminado naman ang BFP Solano na natagalan silang malapitan ang lugar dahil sa dami ng mga taong nakaharang sa kanilang dadaanan na kumukuha ng video at litrato.

Umabot sa alert level 3 ang sunog at kinailangang humingi ng tulong sa mga katabing bayan.

Wala namang nasaktan sa pangyayari.

Ang tatlong bahay at motorcycle shop ay pagmamay-ari ng pamilya Tito na labis ang paghihinagpis dahil bukod sa nasunugan sila ay nanakawan pa sila ng mga paninda.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang barangay Quirino sa mga nasunugan.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng BFP Solano kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nasunog.