BUTUAN CITY – Kinumpirma sa Department of Health (DOH-Caraga) nitong, Hunyo 9, 2020, tatlo pang bagong kaso sa COVID-19 ang naitala sa rehiyon, dahilang umakyat pa sa 14 ang total na COVID-19 cases.

Ang ika-12th na kaso ay isang 29-anyos na lalaki habang ang ika-13 ay ang 31-anyos na lalaki na parehong galing sa Agusan del Norte at mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na dumating sa Pilipinas noong Abril 1 at 18.

Sa kanilang pagdating sa bansa, isinailalim ito sa quarantined sa Manila hanggang Mayo 25, 2020; nai-test naman sa RT-PCR kung saan negatibo ang resulta.

Noong Mayo 26, nakarating sila sa Cagayan de Oro sa pamamagitan sa Air Asia Flight Z28689 at nagpalipas ng gabii sa nasabing lungsod bago bumiyahe patungong Caraga region sa pamamagitan ng bus at direktang kina-quarantined sa kanilang mga LGU quarantine facility.

Ang ika-14 na kaso naman ay ang 26-anyos na babae na ROF rin galing sa Agusan del Sur na nakarating sa rehiyon noong Mayo 31, 2020 via land trip galing sa Cagayan de Oro City.

Ang tatlong pasyente ay nasa strict quarantine facility kung saan walang ipinakitang signs and symptoms.

Isinasagawa na ang contact tracing at coordination sa mga LGUs at health authorities ng rehiyon 10 at 13.

Samantala, ang DOH Caraga ay nakatanggap ng 46 na RT-PCR test results galing sa Southern Philippines Medical Center sub-national laboratory kung saan negative ang mga ito sa COVID-19.