-- Advertisements --

Pormal nang nanumpa ang tatlong bagong senators mula sa Democrats.

Pinangunahan ni Vice President Kamala Harris ang panunumpa nina Senators-elect Alex Padilla, Jon Ossoff at Raphael Warnock.

Si Padilla ang papalit kay VP Harris habang sina Ossoff at Warnock ay kapwa nagwagi noong state run-off sa Georgia.

Dahil sa pagdating ng tatlo ay mayroon ng 50:50 split balance sa Senado subalit kontrolado pa rin ito ng Democrats dahil kay Harris na siyang boboto kung merong tie.