-- Advertisements --

Bagamat marami ang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, aabot naman daw sa P30 billion ang financial assistance na ibinigay ng pamahalaan sa mahigit tatlong milyong nawalan ng trabaho dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, ang P28.8 bilyong ayuda ay mula sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Naibigay ang mga ito sa mga formal at informal sector employees at overseas Filipino workers (OFWs) na stranded dito sa bansa at ang mga na-displace abroad.

Naghatid din ng tulong sa mga kababayan ang three major programs ng DOLE na Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

Ani Tutay nasa 427,000 na OFW’s ang nakinabang sa P10,000 sa ilalim ng AKAP program.

Base naman sa monitoring ng DOLE, nasa mahigit 420,000 workers ang permanente nang natanggal sa kanilang mga trabaho at 4.5 million naman ang apektado ng flexible work arrangement at temporary closure.