-- Advertisements --

Nakausap na raw ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang ikalawang Pilipino na nag-positibo sa novel coronavirus infectious disease (COVID-19).

Ayon sa konsulada, wala ng lagnat ang 29-anyos na babaeng household service worker pero naka-isolate pa ito sa isang ospital.

Ngayong araw nakatakdang dalhin ng mga personnel mula sa tanggapan ng Consul General ang mga gamit na ni-request ng Pinay na dalhin sa kanya sa pagamutan.

Kabilang ang nasabing Pinay sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

Kaya kung susumahin, 91 na ang kaso ng sakit sa naturang rehiyon ngayon.

Batay sa ulat ng Centre for Health Protection ng Hong Kong Health Department, unang nag-positibo sa sakit ang amo ng Pinay.

Nagkaroon umano ito ng follow up check up sa doktor nitong February 20 at 24 matapos lagnatin noong February 16.

Nakumpirmang positibo ang Pinay sa COVID-19 matapos kunan ng respiratory sample.

“The sixth case involves a 29-year-old female (the 90th case) who is the domestic helper of the 85th case confirmed yesterday. The patient has good past health who lives at Block 4, Swiss Towers at 113 Tai Hang Road, Tai Hang. She developed fever on February 16 and consulted the same private doctor on February 20 and 24. She was arranged to be admitted to RH by the CHP yesterday.”

“Her respiratory sample was tested positive for COVID-19 virus and is now in a stable condition. The patient had no travel history during the incubation period. Her employer’s husband and son, as well as another domestic helper are all asymptomatic and have been arranged for quarantine.”

Ayon naman sa Department of Health ng Pilipinas, wala pa silang natatanggap na ulat mula sa mga kapwa opisyal ng gobyerno hinggil sa bagong kaso ng Pilipinong nag-positibo sa COVID-19.