-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa ikalawang pagkakataon ay pinangunahan pa rin ni Midsayap Cotabato Mayor Rolando Rolly “Ur Da Man” Sacdalan ang Mega Market Multi-Sectoral Tour.

Nasaksihan ng mga stakeholders mula sa Galing Sayap Group of Entreprenuers, Market Vendors Association, Meat Vendors Association, Midsayap Umbrella Sidewalk Vendors Association, Academe, Farmers Association, Market Section, Dry Section at Civil Society Organizations ang estado ng pinapatayo na Mega Market na matatagpuan sa Barangay Poblacion 1, Midsayap, Cotabato.

Tulad noong unang Mega Market Tour, nagsagawa rin ng open forum si Mayor Sacdalan katuwang ang Office of the Municipal Engineer at Municipal Economic Enterprise and Development Office kung saan pinakinggan ang lahat na hinaing ng mga dumalo.

Una ng sinabi ni Sacdalan na lahat ay sama-sama tungo sa pagbangon at pagbabago sa bayan ng Midsayap.(