Inaasahang makakabalik na sa bansa ang ikalawang batch ng mga overseas Filipino workers mula sa Lebanon bukas, Nobyembre 4, 2023.
Ito ang iniulat ni Department of Foreign Affairs sa gitna ng nagaganap na kaguluhan ngayon sa naturang lugar nang dahil pa rin sa lumalalang labanan sa pagitan ng militanteng grupong hezbollah at israeli defense forces.
Ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, anim na mga pilipino mula Lebanon ang inaasahang darating sa bansa bukas bandang alas-3:55 ng hapon.
Habang may 45 pinoy pa ang kasalukuyang hinihintay na lamang ang kanilang exit clearance para sa kaukulang repatriation, at nasa 162 pa ring mga pilipino ang kasalukuyan pang inaayos ang kanilang dokumento para makaalis sa naturang bansa.
Ayon kay De Vega, bukod dito ay may 28 mga ofw pa ang kasalukuyan pang ineendorso sa lebaese immigration bago mabigyan ng exit clearance , habang mayroon pang 26 na mga indibidwal ang kinakailangan pang ipagbigay-alam sa kanilang employers ang naturang pag-alis, at may 41 pinoy naman ang hindi pinayagang iwanan ang kanilang trabaho para makabalik sa ating bansa.
Samantala, matatandaan na noong oktbre 28 nakabalik sa pilipinas ang unang batch ng mga ofw na humiling na ma-repatriate pabalik sa ating bansa nang dahil sa kaguluhang nangyayari sa ngayon sa lebanon.