-- Advertisements --

Na-install na ang ikalawang batch ng mga bagong bagon sa riles ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa tulong ng San Miguel Corp. (SMS).

Ayon kay San Miguel Corp. (SMC) President Ramon Ang, nakatakdang tumanggap at maglagay ang SMC ng dagdag pang anim na unit na bubuo sa 36 train sets bago matapos ang taong ito, kasunod ng target umano na maging operational ang MRT-7 sa pagtatapos ng taong 2022.

Inilagay ang mga nasabing bagon sa mga riles ng MRT-7 sa pagitan ng University Avenue at Tandang Sora sa lungsod ng Quezon kapareho sa dalawang train sets na nauna nang dumating sa bansa noong buwan ng Setyembre.

Magkakaroon ng 14 na istasyon ang MRT-7, kung saan target nito na mapaikli ang oras ng byahe mula sa Quezon City hanggang Bulacan sa loob ng 35 minuto.

Inaasahan naman na aabot sa 300,000 na mga pasahero ang maaring ma-accommodate ng MRT-7 kada araw na may maximum projection na 850,000 na mga pasahero sa ika-12 taon ng operasyon nito.

Samantala, sinabi naman ni Ang na hindi nila inaasahan na agad-agad na makakamit ang ganito kataas na bilang ng mga pasahero dahil sa kasalukuyang pagpapatupad ng social distancing at limited capacity para sa mga pampublikong transportasyon bilang pagtugon nadin sa pag iingat sa panganib na dala ng COVID-19.

Samantala, siniguro naman ng SMC na bagama’t hindi nila inaasahan na agarang makamit ang ganito kataas na bilang ng mga pasahero dahil sa kasalukuyang pagpapatupad ng safety protocols bilang pag iingat sa panganib na dala ng COVID-19 virus ay magpapatuloy pa rin ang mas mabilis at ligtas na byahe ng MRT-7 mula Quezon City hanggang Bulacan. (Marlene Padiernos)