-- Advertisements --
Suportado ni Senador Joel Villanueva ang panukalang flexible repayment terms ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa salary-based loans, na nakabatay sa kakayahang magbayad ng borrower.
Ayon sa senador, makatarungan ang hakbang dahil isinasaalang-alang nito ang creditworthiness at financial capacity ng umutang, sa halip na mahigpit na loan terms. Layunin nitong maprotektahan ang mga Pilipino laban sa hindi angkop na utang.
Sa ilalim ng panukala, aalisin ang fixed loan tenure at papayagan ang mas flexible na kasunduan sa pagitan ng lender at borrower. Nakahanda rin ang komite ni Villanueva na bantayan ang implementasyon nito. (report by Bombo Jai)
















