-- Advertisements --

Aabot sa 29,828 na panibagong COVID-19 cases ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw, dahilan para umakyat ang kasalukuyang active cases sa 273,580 ang bilang.

Sa bilang ng active infections ngayon, 8,371 ang asymptomatic; 260,399 ang mild; 3,006 ang moderate; 1,496 ang severe; at 308 naman ang nasa critical condition.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong total caseload na 3,417,216.

Ang rehiyon na mayroong pinakamaraming bilang ng mga naitalang kase sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 5,178 o 18 percent, Region 4-A na may 4,227 o 14 percent, at Region III na may 2,787 o 10 percent.

Samantala, umakyat naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa 3,090,164 matapos na 36,763 pang pasyente ang naka-recover sa sakit.

Ang death toll naman ay umakyat sa 53,472 kasunod ng 67 na bagong nasawi.