-- Advertisements --
Nakapagrehistro ang Department of Health (DoH) ng 288 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 270 na gumaling at 65 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga nai-record na kaso sa bansa, 0.3% (9,251) ang aktibo, 97.9% (2,777,671) na ang gumaling at 1.80% (50,981) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 21, 2021, habang mayroong 11 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 laboratoryo ay humigit kumulang 9.1% sa lahat ng samples na nai-test at 4.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.