Nananawagan ang Department of Health (DOH) officials sa publiko na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop ng anti-rabies vaccines bunsod ng tumataas na kaso ngayong taon.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakatala ng 284 rabies cases at deaths mula noong January 1 hanggang October 1 na 33% na mas mataas kumpara sa 70 cases na naitala noong nakalipas na taon.
Sa kaso ng rabies, 86% mula sa kagat ng aso at 8% mula sa pusa.
Ayon pa sa DOH, halos humahantong sa kamatayan ang naiimpeksyon mual sa viral disease ngayong taon.
Payo naman ni Dr. Alethea De Guzman, DOH-Epidemiology Bureau director na maaagapan o maiiwasan ang kamatayan mula sa rabies sa pamamagitan ng maagang pagpapakonsulta sa doktor at tamang treatment mula sa animal bite center o hospital.