-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang 28 sa 82 crew ng 2GO Travel.

Dahil dito, naka-quarantine na ang nasabing mga nagpositibo sa virus na mga crew ng St. Anthony de Padua vessel.

Galing sa Caticlan ang nasabing barko at ito ngayon ay nakadaong sa Bauan, Batangas.

May lulan na 77 pasahero ang barko ng ito ay dumating sa Batangas port.

Habang magsasagawa ng contact tracing ang Philippine Ports Authority sa mga pasahero.