-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine men’s national football team ang lineup nila para sa FIFA World Cup 2026 Qualifiers ngayong buwan.

Mayroong kabuuang 28 na manlalaro ang kabilang na sasabak sa dalawang laro laban sa Iraq ngayong buwan bilang bahagi ng qualifiers.

Kabilang sa mga nasa listahan ay sina: Forwards Andres Aldeguer, Jeremiah Borlongan, Jarvey Gayoso, Theo Libarnes, Patrick Reichelt, at Chima Uzika.

Midfielders Justin Baas, Michael Baldisimo, Matthew Baldisimo, Kevin Ingreso, Oskari Kekkonen, Mike Ott, Jose Elmer Porteria, Santiago Rublico, at Mark Swainston.

Defenders Amani Aguinaldo, Pocholo Bugas, Marco Casambre, Jesse Curran, Simen Lyngbo, Jesper Nyholm, Christian Rontini, Daisuke Sato, Jefferson Tabinas, at Paul Bismarck Tabinas at ang mga goalkeepers ay sina Patrick Deyto, Neil Etheridge, at Kevin Ray Mendoza.

Magiging coach naman nila si Tom Saintfiet na itinalaga noong nakarang buwan.

Unang laro nila ay Marso 21 sa Iraq habang sa Marso 26 ay laban pa rin sa Iraq na gaganapin naman sa bansa sa Rizal Memorial Stadium.