-- Advertisements --
Patay ang 28 katao sa pag-atake ng Ukraine sa Lysychansk ang bayan na inukopa ng Russia sa Luhansk ng eastern Ukraine.
Sinabi ni Leonid Pasechnik ang namumuno sa self-proclaimed Luhansk People’s Republic, na mayroon pang 10 katao ang kanilang nailigtas mula sa mga gumuhong gusali.
Dahil sa pangyayari ay idineklara nilang day of mourning ang ang linggo.
Noong Hulyo 2022 ay sinakop ng Russia ang Lysychansk na naging huling bayan sa Luhansk sa eastern Ukraine na kanilang nasakop.