-- Advertisements --

Aabot sa 28 katao ang nasawi sa isang monasteryo ng southern Shan State, Myanmar.

Itinuturo ng insurgent group na Karenni Nationalities Defence Force (KNDF) na ang mga sundalo ng Myanmar ang nasa likod ng pamamaril.

Mula ng mamuno ang junta dahil sa kudeta dalawang taon na ang nakakalipas ay tumaas ang bilang ng mga madugong labanan sa pagitan ng mga militar at mga militanteng grupo.

Ilang insidente ng labanan ay naganap sa rehiyon sa pagitan ng Nay Pyi Taw ang border ng Myanmar sa pagitan nila ng Thailand.