Papalo sa 276 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) kahapon.
Dahil dito, aabot na sa 3,682,356 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang active case sa ngayon na 24,179, ang pinakamababang daily single-day tally mula noong Enero 2 na mayroong 21,418.
Ang bilang naman ng mga recoveries ay umakyat na sa 3,598,245 habang ang death toll ay 59,932.
Kabilang naman sa mga top regions na mayroong pinakamataas na kaso sa buong linggo ang National Capital Region na mayroong 1,307 na sinundan ng Region 4-A na mayroong 530 at Region 3 na may 368.
Ang bed occupancy rate sa bansa sa ngayon ay 16.2 percent na mayroong 5,228 na okupado at at 26,955 ang bakante.
Ayon sa DoH, nasa 17,371 na indibidwal ang sumalang sa covid test noong Miyerkules at mayroong 300 testing laboratories na nagsumite ng data.