LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang dating barangay kagawad sa ikinasang search warrant operation ng mga otoridad sa Brgy. Darasdas, Solsona.
Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Laoag mula sa PDEU, ang search warrant ang inilabas ni Judge Nida Alejandro ng RTC Branch 12 sa lungsod ng Laoag dahil sa paglabag ng RA 9165 o Comperehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakilala ang subject na si Sandy Ramos, dating barangay kagawad ng Brgy. Darasdas, isang High Value Individual at kabilang sa Top 10 Regional Priority List ng PRO1.
Nakumpiska mula sa bahay ni Ramos ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng anim na heat seald transparent plastic sachet na naglalaman din ng hininilang shabu, isang ice bag na naglalaman ng 21 sachet ng shabu kasama ng caliber 22 na baril.
Nalaman na aabot sa dalawang gramo ang biget ng mga nakumpiskang iligal na droga at nagkakahalaga ng P13,600.
Kaugnay nito, ang suspek ay dating drug surrenderee noong 2016.
Nanatili ang suspek sa kustodiya ng mga otoridad at inaasahang masasampahan ng kaso na paglabag sa RA 9165 at RA10591 o illgel possession of firearms.