-- Advertisements --

Napauwi na ng Philippine Embassy sa Phnom Penh ang 27 Pilipinong biktima ng human trafficking mula sa Cambodia.

Una rito, dumating sa Cambodia ang 27 Pilipino sa magkakaibang petsa bilang mga turista subalit kalaunan ay na-employ ang mga ito sa mga kompaniya na sangkot sa scamming activities.

Nasagip ang mga Pilipino sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh sa tulong ng Cambodian National Police habang dinadala ang mga ito sa iba pang online scamming facility.

Pansamantala nang nanuluyan ang mga nasagip na Pinoy sa Caritas Cambodia at na-repatriate noong Disyembre 8, 2023.

Ayon sa DFA, ito na ang pinakamalaking grupo ng repatriated victims ng human trafficking mula sa Cambodia.

Kaugnay nito, nagpaalala ang DFA sa mga Pilipino na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga job recruitment online at makipag-ugnayan lamang sa mga government-authorized recruitment agencies.