Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,656 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 5,130 na gumaling at 154 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.2% (34,866) ang aktibong kaso, 97.2% (2,721,516) na ang gumaling, at 1.58% (44,239) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 4, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.
“21 duplicates were removed from the total case count. Of these, 20 are recoveries. Moreover, 118 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH adbusory. “All labs were operational on November 4, 2021 while 8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 8 non-reporting labs contribute, on average, 0.4% of samples tested and 0.5% of positive individuals.”