-- Advertisements --

Inaasahang madadagdagan ng 2,600 pa ang COVID-19 cases sa bansa kasunod nang pagpapasara sa media giant ABS-CBN, ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda.

Base aniya sa pag-aaral na kanilang ginawa, ang pagpapasara sa ABS-CBN ay may direktang epekto sa COVID-19 crisis sa bansa.

“We have an entire model, essentially this thing will cost us 2,600 more infections. In short, it has a direct impact on something that we’re trying to deal with so it is an existential threat to the country,” saad ni Salceda sa isang panayam.

Ang ginamit aniya nilang model sa pagkuha ng numerong ito ay naka-base sa bilang ng oras na ginugugol ng mga Pilipino sa panonood ng mga palabas sa telebisyon, market share ng ABS-CBN at iba pa.

Ayon kay Salceda, “nakakasira talaga ng national strategy” ang naging desisyon ng NTC.

Hanggang noong Mayo 5, ang COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa 9,684, habang 637 naman ang mga namatay.