-- Advertisements --

Patay ang nasa 26 katao matapos ang pagkakasunog ng apat na palapag na gusali sa New Delhi, India.

Nagsimula ang sunog sa unang palapag ng gusali kung saan nandoon ang bentahan ng mga surveillance camera.

Mabilis itong kumalat hanggang ikaapat na palapag ng gusali.

Dinala naman sa pagamutan ang 12 katao na nasugatan sa nasabing insidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.