-- Advertisements --

Nakaalis na ng Israel ang 26 na Pilipinong nag-avail ng voluntary repatriation program ng gobyerno sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv, dumaan ang mga ito sa Allenby Border Crossing patungong Jordan kung saan personal silang sinamahan ni Ambassador Aileen Mendiola at ng DMW-OWWA Team ng Embahada upang masiguro ang matiwasay nilang pagtawid mula Israel patungong Jordan.

Kinumpirma naman ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na nakatakdang dumating sa Pilipinas ang unang batch ng repatriated Filipinos bukas ng umaga, June 24.

Makakatanggap naman ng reintegration benefits ang mga ito sa oras na makabalik sila sa bansa.

Samantala, prinoproseso na rin ng gobyerno ng PH ang pagpapauwi sa 233 pang Pilipino mula sa Israel