-- Advertisements --

Aabot na sa 26 ang bilang ng mga paliparan sa bansa na nagbalik operasyon at pwede nang tumanggap ng commercial flights, matapos bigyan ng clearance nang mga concerned local government units.

Batay sa advisory ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nadagdag sa unang listahan mula kahapon ang:

  1. Cauayan Airport
  2. Palanan Airport
  3. Jolo Airport
  4. Borongan Airport
  5. Antique Airport
  6. Masbate Airport
  7. Ormoc Airport
  8. Catbalogan Airport
  9. Ozamiz Airport

Samantala, anim na iba pang paliparan ang magbubukas sa magkakahiwalay na petsa:

  1. Basco Airport (July 1)
  2. Virac Airport (July 1)
  3. San Vicente Airport (July 1)
  4. Busuanga Airport (July 1)
  5. Surigao Airport (August 2020)
  6. Siargao Airport (September 1)

Nilinaw ng CAAP na kahit pinayagan na ang commercial flights sa mga nasabing paliparan ay dapat pa ring maghanda ng kinakailangang dokumento ang mga pasahero.

“Some airports, while allowing commercial flights, are subject to different documentary and passenger LGU restrictions.”

May 17 iba pang paliparan ang hanggang ngayon ay hindi pa pinapayagang magbalik operasyon para sa commercial flights.