Nasa 250 beneficiaries na binubuo ng mga kababaihan, empleyado at strikers ng Camp Crame ang nakatanggap ng frozen food packs na pinangunahan ng PNP Officers’ Ladies Club (OLC).
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, layon ng aktibidad nilang ito ay upang maiparating sa mga benepisyaryo ang kanilang pasasalamat dahil sa patuloy na pagsisilbi sa mga pulis na sila namang nagsisilbi at nagpo protekta sa bansa at sa taong bayan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Barangayanihan ng PNP kung saan naghahanap sila ng sponsor para matulungan ang mga Pilipinong lubhang apektado ng pandemya.
Isinagawa ang pamimigay ng food packs sa Heritage Park Camp Crame, Quezon City nitong September 2 at 3, 2021.
Ayon naman kay PNP-Police Community Affairs Development Group (PNP-PCADG) Director, BGen. Eric Noble ang mga tulong at suporta ng iba’t ibang Advocacy Support Groups at Force Multipliers sa kanilang mga programang BarangaYanihan ang siya nilang ipinamahagi din sa mga recipients.
Tumutulong din ang Women Advocacy Support Group kung saan kasapi ang PNP Officers” Ladies Club (OLC) o kilala sa tawag na “Misis ng Pulis,” na pinamumunuan ng adviser nito na si Mrs. Rosalie “Laly” Eleazar na kilala sa pagiging mapagbigay at may malambot na puso kaya naman puspusan ang donation drive sa loob at labas ng PNP Camps.
“The activity aims to show gratefulness to the beneficiaries who are serving and protecting those who serve and protect the country and countrymen,” ayon kay Noble.
Pinasalamatan naman ni Mrs. Eleazar ang Chareon Pokphand Foods Philippines Corporation na isa sa nag-donate ng frozen food gayundin ang patuloy na suporta nito sa BARANGAYanihan Help and Food Bank Program ng PNP.
“The PNP, together with the PNP OLC, draw inspiration and strength knowing that we have staunch partners who are willing to serve,” ayon kay Mrs. Eleazar.