-- Advertisements --
Nasa 24 na sundalo ng Israel ang nasawi sa naganap na labanan sa pagitan nilang Hamas sa southern Gaza.
Ito na ang itinuturing na pinakamatinding pagkakasawi ng mga sundalo sa Gaza mula ng magsimula ang labanan nila ng Hamas.
Ayon sa Israel Defense Forces na tinamaan ng rocket propelled grenade (RPG) ang tangke kung saan nagpoprotekta sa mga sundalo.
Gumuho rin ang dalawang gusali dahil sa nasabing insidente.
Tiniyak naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang igaganti ang mga nasawing sundalo.










