-- Advertisements --

Umakyat na sa 9,091 ang bilang ng COVID-19 cases sa hanay ng Philippine National Police (PNP) hanggang nitong araw ng Linggo, Enero 3, 2021.

Ito ay matapos na maitala ang 25 na panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga pulis.

Ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay umakyat sa 8,722 matapos na 33 pang police personnel ang naka-recover mula sa sakit.

Samantala, ang death toll naman ay 28.

Sa ngayon, 341 pa ang active cases, na pawang sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang mga pulis na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhan na kaagad na sumangguni sa PNP Health Service.