Aabot na sa 25% ng arable land o lupang taniman mula sa Ukraine ang nawala dahil sa giyera.
Partikular sa bahagi ng south at eastern Ukraine ayon sa deputy agriculture minister subalit sa kabila nito hindi naman aniya nanganganib ang food security sa bansa.
Ayon kay Deputy Agriculture Minister Taras Vysotskiy na ang crop planting ngayong taon ay mahigit sa sapat para masiguro ang suplay ng pagkain para sa populasyon.
Bumaba aniya ang consumption level dahil sa mass displacement at external migration matapos na milyong mamamayan ng Ukraine ang tumakas palabas ng bansa mula ng magsimula ang Russian invasion.
Bago ang giyera, ang Ukraine ang itinuturing na 4th largest supplier ng trigo at ng mais.
Nasa 30% ng global supply ng trigo ay nagmumula sa Ukraine.