-- Advertisements --
Nauwi sa malagim na trahedya ang masayang wedding party sa isang bus matapos lamunin ng apoy makaraang bumangga sa isang divider sa may Samruddhi Mahamarg expressway sa western state ng Maharashtra sa India ngayong araw ng Sabado.
Nasunog hanggang sa mamatay ang nasa 25 kataong lulan ng bus.
Base sa inisyal na imbestigasyon pumutok umano ang gulong ng bus saka ito bumangga sa divider dahilan kayat sumabog ang diesel tank ng bus.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Maharashtra chief minister Eknath Shinde sa mga biktima at nagbigay ng compensation sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa trahedya.
Nasa $6,000 ang tinatayang ibibigay ng Relief Fund ng Chief Minister para sa pamilya ng bawat nasawi sa naturang insidente.