-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 241 na pamilya mula sa bayan ng Agoncillo at Laurel, Batangas na ang nanatili ngayon sa tatlong evacuation center sa isinagawang mandatory evacuation matapos maitala ang pagsabog sa bulkang Taal kaninang umaga.

Sa naging ppanayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Kelvin John Reyes, Public Information Officer ng Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON, sinabi niya pinangambahan ang posibilidad ng mas malakas na pagsabog.

Bilang tugon ay nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga miyembro ng konseho, Protected Area Management Board, kabilang na ang mayor ng Agoncillo at Laurel.

Sa kabuuan ay nasa 160 families o katumbas ng 800 hanggang 900 na individual ang inikilas mula sa tatlong barangay ng Agoncillo habang nasa 81 families o 222 individual ang mula sa dalawang barangay ng Laurel.

Sa ilalim ng alert level 3 hanggang alert level 5 ay pinapayagan magtungo sa lawa ang mga magsasagawa ng emergency harvest gayundin ang mga mag-aalis ng mga namatay na isda at nanatiling kanselado ang lahat ng agricultural at fishing activities sa lawa.